My Writing Process.


May mga writer na kailangan may pagkain sa tabi ng laptop nila para makapagsulat. May iba naman na kailangan may sigarilyo. Pero kagaya ng karamihan, gusto ko na nagsusulat ako na may kape. But unlike other writers, hindi mainit kung hindi malamig na may yelo ang gusto ko.

Wala ring oras ang pag sulat ko, pero kadalasan ay gabi o madaling araw. Mas pumapasok ang ideas sa akin kapag mga ganoong oras. Pero may mga times na tanghali o hapon nakakapag sulat ako. Hindi rin tuloy-tuloy ang pagsusulat o pagta-type ko. Halimbawa, ang isang chapter ng mga stories ko ay naglalaro sa 2.2k to 2.8k words. Paunti unti ang pagtype ko sa kanila. In between ay nanunuod ako minsan ng tv series, movies or youtube videos. Minsan nagbabasa rin ako, lalo na kapag may update na ang story na binabasa ko. Pero kadalasan, I deprive myself from reading the updates of other writers unless I already posted mine.

These past few months ay naging mabilis ang pagsusulat ko, kaya napost ko agad ang Roswell Trilogy pati na ang Dolce Maria Duo. Nakatulong na ilang linggo rin akong MISSING IN ACTION sa social media dahil parang na refresh ako o yung utak ko.

Anyway, when it comes to inspiration and having ideas to write, kusa kasi 'yon na dumarating. Walang pinipiling oras. Kapag sobrang inspired or hindi na ako mapakali sa dami ng naisip kong scenes or dialogues, mabilis ang pag type. Minsan, mabagal. Minsan inaabot ng ilang araw ang isang chapter lang dahil patigil tigil at paunti unti ang dating ng ideas.

Minsan may writer's block ako. Oo, naniniwala ako doon. Yun bang nasa utak ko na yung eksena or idea, tapos isusulat ko na lang, hindi ko pa magawa? Hindi sya katamaran kasi nasa harap na ako ng laptp, eh. Titipa na lang ako, pero biglang nawala na yung mga nasa isip ko. Parang na freeze. Sana naman huwag mangyari 'to anytime soon dahil gusto ko matapos na ang More Than Just A Sinner pati na yung Dolce Maria Duo.

May mga times na palipat lipat ako ng mga stories. Marami akong on going, kaya pasalit salit hanggang sa may matapos ako at ipopost ko na.

May oras rin na sobrang nagka crave ako sa kung anong matamis. Nakakatulong sa akin ang matatamis na pagkain dahil naha-hyper ako. Lol. Not in a bad way dahil minsan na minsan lang naman. Mas madalas ang kape. Constant na sya. Minsan binabasa ko rin 'yung sinusulat ko na story, mula umpisa kasi nakakakuha ako ng ibang ideas or anggulo tungkol sa next scenes. Lahat ng stories ko ay hindi planado. Halimbawa, alam ko na yung conflict pero minsan naiiba along the way. The ending, I won't have an idea yet unless I am already near the end writing it.

I am having a hard time to write kung magsusulat ako para lang may ma-update. Ayoko ng sabaw na update. Gusto ko may connection talaga sa story. I do have some filler chapters but that's to build character.

So, kayo, ano ang writing or reading process nyo?

2 Comments

  1. Hii ate! I will do some of the informations po na sinabi niyo. :-)) Gusto ko po kasing mag sulat eh. Nakaka inspire po kasi talaga. �� Anyway ate, i love all of your stories po! ❤️

    ReplyDelete